AABOT sa P176,000 halaga ng ilegal na droga ang narekober ng Manila Police District sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Malate, Manila kaninang umaga.
Isinagawa ang naturang operasyon malapit sa kanto ng Quirino Avenue at Taft Avenue sa nasabing lugar na nagresulta para maaresto ang suspek na si Melanie Cavia, ng 2200 Dandan St., Pasay City. Kasama ring binitbit ng pulis ang kanyang mga kasabwat na sina Ronnel Divina, 32 at Sharon Navarro, 36, kapwa nakatira sa Singalong, Malate.
Ayon sa ipinadalang report ni P/Cpt. Gil John Lobaton kay P/ Lt. Col. Micheal Garcia, Station Commander ng Manila Police District-Station 9, isinagawa ang buy-bust operation sa nasabing lugar dakong alas-12:30 ng hatinggabi kung saan nagawang makabili ng poseur-buyer ng P500 na halaga ng shabu. Narekober sa kanila ang limang sachet ng shabu na may halagang P108,000.
Dakong-alas-2:00 ng madaling araw, nagsagawa rin ng drug operation sa kahabaan ng Adriactico Street sa Malate.
Naaresto ang apat na suspek na sina John de Pedro, 54, ng 346 Sta. Rita St., Tondo; Tina Florendo, 41, ng 2301 Arellano Ave., Singalong; Annalyn Delgado, 35, ng No. 38 Leveriza St. at Rose Salazar, 30, ng 2288 Leveriza St., Malate.
Napag-alaman na nakabili rin ng shabu na nagkakahalaga ng P500 ang poseur-buyer na pulis at sa huli ay narekober ang marked money kasama ang walong piraso ng sachet ng shabu na may street value na P68,000.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA