NASAWI ang isang sanggol na lalaki matapos umanong mahulog at malunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Florencio Nalus, nakatulog ang ina kasama ang biktima at nang magising siya dakong ala-1:30 ng hapon ay wala na sa kanyang tabi ang baby niya.
Hinanap ng ina ang kanyang anak at nagtanong tanong siya sa mga kapitbahay nila na kanila ring mga kamag anak subalit, hindi nila nakita ang biktima.
Kasunod nito, laking gulat ng ina nang makita nalang niya ang biktima na nakalutang sa ilog sa seashore ng Kahunari 1 St., Brgy. San Jose kaya agad itong humingi ng tulong sa kanyang pinsan.
Kaagad tumalon sa tubig ang kanyang pinsan at kinuha ang biktima saka mabilis na isinugod sa Navotas City Hospital subalit, i-dineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician dakong alas-3:00 ng hapon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY