AABOT sa 300 kwalipikadong person deprived of liberty o PDLs ang nasa listahan na isusumite ng Department of Justice ngayong linggo sa Malacañang.
Ayon kay Atty. Mico Clavano, taga-pagsalita ng DOJ, isinasapinal na ang listahan ng mapapasali sa posibleng mabigyan ng executive clemency na itinaon sa birthday ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Setyembre 13.
Kadalasan aniya ay tuwing sa panahon ng Kapaskuhan nagsusumite ng listahan ng mga kwalipikadong PDLs na maaring i-pardon pero aagahan na anila ngayong administrasyon.
Paglilinaw ni Clavano, ito ay bukod sa Good Conduct and Time Allowance na agarang ibinibigay sa mga nakakabuno na ng kanilang sintensya.
Aniya, nakadepende na sa Pangulo kung ilan ang kanyang bibigyan ng executive clemency at kung absolute pardon ba ito o conditional pardon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY