“So far, so good.”
Ganito inilarawan ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergiere, ang sitwasyon ngayon ng face-to-face classes sa bansa.
Dagdag ng opisyal, patuloy ang ginagawang kooperasyon ng Department of Education.
Lahat din aniya ng mga tagubilin ng doh at mga protocols ay nasusunod.
Pero aminado pa rin si Vergiere na may mga pagkakataon na nagkakaroon ng siksikan partikular tuwing uwian.
Dahil dito ay nakipag-ugnayan na aniya ang DOH sa Department of Interior and Local Government para magawan ng solusyon ang nasabing isyu at nang matiyak ang na bababa ang kaso ng hawaan ng COVID-19.
Sinabi naman ni Vergeire na very minimal ang bilang ng mga kaso ng mga pumapasok na bata na nagkakasakit.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY