ARESTADO sa buy-bust operation ng Pasig police ang isang 27-anyos na lalake kaninang madaling-araw sa Bambang, Pasig City.
Ayon kay Pasig City Police Chief, PCol. Roman C Arugay, nahuli si alyas Boss sa Balderama Street, Brgy. Bambang, Pasig City.
Nagkakahalaga ng ₱102,000 ang limang piraso ng plastic sachet ng bawal na droga na nasamsam sa suspek na residente ng San Lorenzo St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City.
Ang suspek ay kakasuhan nang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kaugnay nito, nagbabala si Col Arugay sa mga sangkot sa bawal na droga sa lungsod.
“Pasig Police will continue its unwavering efforts to eradicate all forms of illegal drugs to fulfill its commitment towards a drug- free Pasig City through our continuous conduct of anti-illegal drugs operations,” ayon sa Chief of Police.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY