Nagsalita si Jennifer Nierva tungkol sa pagkalas ng NU squad sa national team. Nakatakdang lumahok sa Asian Women’s Volleyball Cup sa Agosto 21 ang ilan sa players nito.
“Our safety is the top most priority,” ani ng UAAP Season 84 Best Libero sa Twitter.
Kung saan ay pinasakalye ang tungkol sa desisyon ng Philippine National Volleyball Federation’s (PNVF) na alisin ang Lady Bulldogs at ang coaching staff nito sa national team.
“Still, we’re grateful for everything. This will not stop us from mastering our craft. I know that no efforts nor sacrifices would be wasted. Time to work harder and come back stronger,” pahayag nito. Inanunsiyo ni PNVF President Tats Suzara nitong Linggo; na 12 sa 14-woman team mula sa MU ang opisyal na pinakawalan sa line-up. Kabilang ang head coach nito na si Karl Dimaculangan.
Ito’y dahil sa hindi pinayagan ni NU team manager Mariano See na makilahok ang NU sa PVL semifinals dahil sa risk of injury. Inihayag din ng PVL na ang Team Philippines ang hahalili sa Japanese team Kobe Shinwa Women’s University. Na nagwithdraw sa partisipasyon dahil sa COVID-19.
Ang pagsali na ito ay bilang preparasyon na rin sa AVC Cup. Ang natira lamang sa NU-bolstered squad ay sina Jelai Gajero ng California Precision Sports. Gayundin si former Adamson Lady Falcon’s volleybelle Trisha Genesis.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo