November 24, 2024

SEN. MARCOS, NAGPOSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagpositibo si Senadora Imee Marcos sa COVID-19 matapos sumailalim sa pagsusuri nitong weekend.

Ginawa ni Senate President Zubiri ang pahayag matapos sumulat sa kanya si Sen. Marcos para ipaalam na sya ay may lagnat at hindi makadalo ng plenary session nitong Lunes.

Sinabi ni Zubiri na tanging si Senadora Marcos lang ang virtually present at 22 Senators physically present.

“Although Sen. Marcos who for the record  had written to us that she was tested positive for COVID-19 is asking that she shouldn’t have to be oncam. bec. she has a raging fever, may be she can acknowledge just to acknowledge that she is online so that we can mark her as present without having to open cam. Can she answer just a “yes”. We have a total of 23 Senators present,” ayon kay Zubiri.

Sumagot naman si Sen. Imee at  sinabing nakatutok lang sya sa sesyon habang nagpapagaling sa kanilang bahay.

“I’m listening and I hope to see you very soon,” ayon kay Sen. Marcos. Sinabi naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na dalangin nila ang mabilis na paggaling ni Marcos. Nauna rito, dumalo pa si Marcos sa red carpet premiere nights ng Maid in Malacañang sa Davao city at Cebu city nitong weekend.