IBINIHAGI ni Kathryn Bernardo sa social media ang kanyang nais iparating na mensahe sa ABS-CBN, ang kanyang tahanan.
“Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Ang daming sumubok sa ‘yo— nangmaliit at kumutya. Pero hindi ka sumuko. Nandito ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat,” saad niya sa kanyang Instagram post matapos ang naging desisyon ng House of Representatives na ibasura ang panibagong prangkisa ng nasabing network.
“Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa ‘yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat,” pagpapatuloy ng girlfriend ni Daniel Padilla.
“Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon ka muli. Magpakatatag ka. Kakayanin natin ‘to nang magkakasama,” she stated. “Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo ‘yan.”
Ilang oras bago ang desisyon, nagtungo si Kathryn ang iba pang Kapamilya stars, sa harap ng Congress na lumahok sa solidarity caravan upang hikayatin ang mga mambabatas na bumoto pabor sa ABS-CBN franchise renewal pero nabigo pa rin sila.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?