November 24, 2024

PENSIYON NG MGA MAHIHIRAP NA SENIOR, DOBLE NA

Ganap nang batas ang isang panukalala na nagdagdag sa social pension ng mga senior citizen kung saan magiging P1,000 na ito mula sa dating P500 lamang, ayon kay Senador Joel Villanueva.

Ibinahagi pa ni Villanueva, sponsor ng panukala sa nagdaang18th Congress, sa media ang kopya ng liham ng Malacañang na nilagdaan ni Executive Secretary Victor Rodriguez, na ipinapaabot sa Senate President na batas na ang panukala noon pang Hulyo 30.

Bukod sa dagdag na buwanang social pensiyon para sa mga mahihirap na senior citizen, magbibigay din ang batas ng opsiyon bukod sa cash payout para sa pensiyon para makaabot sa target na benepisaryo nito.

Ililipat din ang implementasyon, distribusyon at pamahahal ng social pension ng mga sesnior citizen sa National Commission on Senior Citizens mula sa Department of Social Welfare and Development sa loob ng tatlong taon.

Noong Mayo, inaprubahan ng Senado at ikatlong pagpasa ang panukalang Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens and Appropriating Funds Therefor. Pinagtibay naman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Senate version ng nasabing panukala.