BUNGA ng pinaigting na pagpapatupad ng batas ng Quezon Police Provincial Office, 24 na mga indibidwal ang arestado sa iba’t ibang kampanya laban sa ilegal na mga gawain.
Sa malawakang kampanya kontra ilegal na sugal, arestado ng Quezon PNP ang 17 indibidwal sa apat na magkakahiwalay na operasyon, kung saan lima 5 ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa game cock (Viol. to PD 1602) sa Purok Camia Brgy Silangang Mayao Lucena City, 5 indibidwal sa paglalaro ng Bingo sa Brgy. Sabang Piriz, Buenavista, Quezon. Nadakip din ang 3 pang indibidwal dahil naman sa ilegal na Tong-its sa Brgy. Caniwan, Burdeos, Quezon at 4 sa aktong paglalaro ng Pusoy sa Brgy Manggahan Pitogo Quezon.
Sa natalang ulat ng Quezon PNP kontra Most Wanted Persons, walang kawala naman ang dalawang (2) suspek sa kasong paglabag sa RA 8550 (The Philippine Fisheries Code of 1998) sa Brgy. Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon.
Samantala, sa operasyong pagpapatupad ng Special Laws kontra droga, timbog ng operatiba ang isang 1 drug suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy Silangang Mayao, Lucena City, kung saan nakumpiska sa posesyon ng suspek ang limang piraso ng HTSP na naglalaman ng hinihinalang shabu na may humigit-kumulang na timbang 1.49 gramo na may halagang MOL Street value na P30,396. Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng responsableng istasyon at sasailalim sa naaakmang proseso ng dokumentasyon at paglilitis. Ganun din naman, ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5,12, at 15 Article ll ng Republic Act 9165.
Sa naiulat na crime incident, arestado din ang isang indibidwal dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 (Physical Abused) sa Brgy Masin Sur, Candelaria, Quezon.
Sa inilatag ng operasyon ng mga iba pang Special Laws, walang kawala rin ang tatlong suspek dahil sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearm (RA 10591) sa Brgy. Poblacion Sariaya, Quezon at paglabag sa Illegal Logging (Violation of RA 8048) sa Brgy. Bislian at Brgy. Salipsip, Polillo, Quezon.
Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga responsableng stasyon para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY