November 24, 2024

Pang-aabuso sa mga estudyante sa PHSA, iimbestigahan

Umaasa si Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na magreresulta sa maayos na polisya sa mga eskwelahan ang gagawing imbestigasyon sa umano’y pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Los Baños, Laguna upang matiyak ang kaligtas at proteksyon ng mga estudyante.

Isinagawa ni Herrera ang pahayag matapos nitong suportahan ang panawagan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na imbestigahan ang mga napapa-ulat na sexual, verbal at emotional abuse sa mga mag-aaral ng PHSA. “No educational institution in this country should ever be an environment where young people feel unsafe, let alone somewhere that any form of abuse can take place,” ayon kay Herrera.

Bukod sa DepEd, nag-request din si Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon at ibigay kaagad ang resulta kaugnay sa pangyayari.

Sinabi ni Herrera na dapat mapanagot ang mga nasa likod ng pang-aabuso sa mga estudyante.