PORMAL nang nanumpa si Senator-elect Robin Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Sina outgoing Chief Executive at Padilla ay mga miyembro ng PDP Laban at Mindanaoans. Inendorso rin ng pangulo ang aktor sa senatorial election kung saan siya ang nag-number 1 na senador.
Matatandaan na hinimok ni Duterte si Padilla na tumakbo sa Senado. Si Duterte rin ang nagbigay ng ‘absolute pardon’ sa dating action star matapos makulong dahil sa kasong illegal possession of firearms and ammunition noong 1994.
Kasama ni Padilla ang kanyang asawa na si Mariel Padilla at kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriela nang manumpa ito sa Malacañang.
“When you were taking your oath, I told myself, ‘Robin was born to be great. Some people are destined to excel… just like Robin,” saad ni Mariel wrote sa kanyang Instagram post.
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS