INIHAYAG ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archibishop Charles John Brown na handa ang Simbahang Katoliko sa Pilipinas na makipagtulungan sa paparating na Marcos administration.
Ayon sa nuncio sa isang panayam sa radyo na nagkaroon ito ng positibong talakayan kay President-elect Bongbong Marcos upang patatagin ang relasyon sa pagitan ng simbahan at gobyerno.
“We had a very productive, encouraging, and positive discussion and the president-elect assured me of his desire to collaborate, cooperate closely with the church and Holy See,” saad ni Brown.
Isa lamang ang nuncio sa limang foreign dignitaries na nag-courtesy call kay Marcos noong Hunyo 10.
Tiniyak ng Catholic Church na kanilang patuloy silang makikipagkoordinasyon sa gobyerno para sa ikabubuti ng bawat Filipino.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE