Magtutuos ang Ateneo Lady Eagles at Adamson Lady Falcons para sa final spot ng Final 4. Ang duelo ng two teams ay idaraos ngayong araw sa MOA Arena sa Pasay. Naikasa ng Lady Falcons ang tsansa sa Final 4 matapos daigin ang La Salle Lady Spikers noong Huwebes.
Kaya naman, nagkaroon ng tsansa na makatapat ang Lady Eagles sa sudden-death match. Pipilitin naman ng Ateneo na makalusot at makatuntong sa Final 4. Sa gayun ay may pagkakataon itong idepensa ang kanilang titulo.
Ang mananalo sa dalawa ay haharap sa No. 3 seed UST sa Martes. Haharap naman sa No. 2 seed La Salle ang winner sa match na tangan ang twice-to-beat advantage. Sa huli, ang mananalo ay haharap sa unbeaten NU Lady Bulldogs sa finals ng UAAP Season 84 women’s tilt.
More Stories
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC
Kauna-unahang invitation golf tournament ng Pampanga Press Club, umarangkada na!
JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC