November 23, 2024

LEBRON JAMES, SANG-AYON SA NBA RESTART, KYRIE IRVING TUTOL

Habang ang ilang NBA players ay nagsalita na tutol sila sa muling pagbabalik ng 2019-2020 NBA season dahil sa pag-aalala sa negatibong epekto nito dahil sa banta ng CoViD 19; maging sa Black Lives Movement, may ilan naman na nagsabing mas makatutulong ito sa ikinakasang kampanya sa racial equality.

Kabilang sa mga tutol sa muling pagbabalik eksena ng liga ay si Brooklyn Nets star guard Kyrie Irving na bahagi ng 22-team NBA field na lalaro  sa Disney World sa Orlando sa susunod na buwan. Bago matigil ang laro ng liga nooing buwan ng Marso dahil sa pandemya, nagkaroon ng shoulder injury si Irving.

Kaugnay sa muling pagbabalik ng liga, mga nasa 80 manlalaro ang napaulat na lalahok  sa online meeting kay Irving, vice president ng National Basketball Players Association, upang talakayin ang saloobin ng mga plaers hinggil sa NBA restart plan.

Ang meeting ay ikinasa upang talakayin din ang alalahanin ng mga players kabilang ang injuries at virus protocols nina Philadelphia 76ers Joel Embiid at Tobias Harris, Sacramento Kings’ Harrison Barnes, Toronto Raptors’ Kyle Lowry at iba pa.

I agree with Kyrie. Basketball, or entertainment period, isn’t needed at this moment, and will only be a distraction,” saad ni LA Lakers center Dwight Howard.

Nagpahayag din si LA Clippers guard Lou Williams ng kanyang hindi pagsang-ayon sa NBA restarting at nagprotesta laban sa racial injustice. Ngunit, hangad naman ni

Austin Rivers ng Houston Rockets na ang muling pagbubukas ng liga ay makatutulong sa mga players na suportahan ang movement.

Samantala, hindi naman nakilahok sa meeting si LA Lakers star LeBron James. Ayon sa ulat, tutok si LeBron sa kampanya sa 2020 US presidential election sa pagtatag ng ‘ More Than Vote’, kasama ang dati at mga kasalukuyang manlalaro ng basketball.

Kabilang sa mga ito si former NBA player Jalen Rose, Trae Young ng Atlanta Hawks, Skylar Diggins-Smith ng WNBA’s Phoenix Mercury.

Because of everything that’s going on, people are finally starting to listen to us,” pahayag ni  James sa New York Times.

“We feel like we’re finally getting a foot in the door. How long is up to us. We don’t know. But we feel like we’re getting some ears and some attention, and this is the time for us to finally make a difference,”aniya.