November 22, 2024

DESKTOP COMPUTER PATOK DAHIL SA PANDEMIC

TUMAAS ang bilang ng mga bumibili ng mga desktop computer ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Ayon sa Gartner and International Data Corp. (IDC), tumaas ang nasabing bilang ng mga bumibili sa second quarter ng taon.

Sinabi ni IDC Mobile Device Trackers research manager Jitesh Ubrani, naging malaking factors ang pagsasagawa ng work from home at e-learning.

Umakyat ng 72.3 million units sa buong mundo ang naibenta ma.

Karamihang gamit aniya ng mga ito ay para sa education, business at consumer gaya ng pagbibigay entertainment.

Marami na ring mga bansa tulad sa Pilipinas na idadaan muna ang pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng onlin.