Para kay outgoing Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, pinakamainam pa rin gamitin ang balita sa traditional platforms.
Ito ang naging komento ni Locsin kasunod ng plano ng susunod na administrasyon na bigyan ng media access ang mga blogger sa Malacañang, isang prebilehiyo na para sa conventional-media members lamang.
“You guys used bloggers to do what bloggers do—when it was convenient and the targets were helpless to respond,” post ni Locsin sa Twitter, bilang tugon sa magkahiwalay na televised interview kay Vegel Santos, isang trustee sa Center for Media Freedom and Responsibility.
“There is no journalism on social media. News must be in print and on the air to make it so expensive you make sure it is the truth before running or airing it.”
Sa panayam sa “Dateline Philippines”, sinabi ni Santos kaugnay sa blogger access: “A blogger decides for himself or for herself. A journalist does not.”
A journalist, apart from being put through a rigorous training in the discipline and skills … [their] works are put through a system of checks to ensure that the information disseminated is truthful, well contextualized and not malicious,” dagdag pa nito.
“Bloggers don’t understand those things.”
Matatandaan na inihayag ni incoming Press Secretary Trixie Angeles-Cruz, isang pro-administration blogger, ang plano nito na i-prioritize ang pag-a-acredit sa mga blogger sa Palace events at presidential briefings.
More Stories
BUCOR LUMAGDA SA KASUNDUAN PARA SA PAGBIBIGAY NG TRABAHO SA EX-INMATES
120-BED HOSPITAL SA BILIBID PINASINAYAAN NG BUCOR
Panukala ni Gatchalian: Insentibo para sa pakikilahok ng pribadong sektor sa pampublikong edukasyon