November 23, 2024

GUANZON, PINAGBIBITIW ANG MGA NOMINEE  NG P3PWD PARTYLIST – CARDEMA (Para maging congresswoman)

Nagasagawa ng press conference si National Youth Commission chairperson Ronald Cardema, kasama si Atty. Ferdinand Topicio, kaugnay sa substitution ni dating Comelec commissioner Rowena Guanzon bilang party-list nominee. (Kuha ni ART TORRES)

INAKUSAHAN ni National Youth Commission (NYC) Undersecretary Ronald Cardema si dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon na pinupuwersa nito ang lahat ng P3PWD party-list nominees na mag-resign para siya ang maging kapalit.

“Pinupuwersa mo ‘yung mga nominees mo na magdeklara na patay na sila o incapacitated sila para maka-substitute ka. Kalokohan ng batas, di ba?” saad ni Cardema sa Pandesal Forum.

Ipinunto ni Cardema na ang pagpapalit ay pinapayagan lamang hanggang sa araw ng halalan, na aniya ay isang panuntunang ginawa mismo ni Guanzon sa kanyang panunungkulan sa Comelec.

Ayon pa sa opisyal ng NYC, nalaman niya ito nang makipag-ugnayan sa kanya ang isa sa mga nominado para humingi ng tulong.

Ayon sa opisyal ng NYC, nalaman niya ito nang makipag-ugnayan sa kanya ang isa sa mga nominado para humingi ng tulong. Sinabi pa ni Cardema, ipinakita pa niya ang screenshots ng umano’y mensahe ni Guanzon na pinagre-resign ang mga nominee at tinanggal sila sa Viber group ng party-list. Aniya, natatakot ang mga nominees kay Gunazon dahil sa popularidad nito sa social media.