November 23, 2024

BOSTON CELTICS, BINALIBAG ANG WARRIORS SA GAME 1 NG NBA FINALS

SAN FRANCISCO, CALIFORNIA - JUNE 02: Jaylen Brown #7 of the Boston Celtics dribbles against Klay Thompson #11 of the Golden State Warriors during the fourth quarter in Game One of the 2022 NBA Finals at Chase Center on June 02, 2022 in San Francisco, California. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and/or using this photograph, User is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement.   Ezra Shaw/Getty Images/AFP (Photo by EZRA SHAW / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)
Pasalaksak na nagdribble si Jaylen Brown #7 ng Boston Celtics habang binabantayan ni Klay Thompson #11 ng Golden State Warriors sa tagpong ito sa fourth quarter ng Game 1 ng 2022 NBA Finals sa Chase Center, San Francisco, California. Photo courtesy: Ezra Shaw/Getty Images/AFP 

Nakamig ng Boston Celtics ang panalo sa Game 1 ng 2022 NBA Finals. Binalibag ng underdog away team ang Golden State Warriors, 120-108. Bumida si Jaylen Brown sa big win ng Celtics na bumanat ng 24 points. Kung saan, 10 points ang itinala nito sa fourth quarter.

Nag-ambag naman ang big man na si Al Horford ng 26 points. Habang si Derrick White ay 21 points off the bench. Nagtapos naman si Marcus Smart ng 18 points. Off night naman ang produksyon ni Jayson Tatum na may 12 points lang. Gayunman, nag step-up ang mga kakampi nito.

Bumira naman si Steph Curry ng 34 points kung saan, 21 rito ay mula sa first quarter. Nagdagdag naman si Andrew Wiggins ng 20 at Klay Thompson ng 15 points. Maganda ang opensa ng Warriors sa first quarter. Subalit, nakahabol ang Boston at naitarak ang 56-54 lead sa half time.

Patuloy ang ratsada ng Celtics at bumuslo ito ng 9 threes sa final quarter. Naitala rin nito ang 20-9 run upang makaungos sa 109-103, may 4:49 time left. Mula rito, bumira pa ang Boston ng 11 points at 5 points lang sa Warriors. Lamang sa 1-0 sa series ang Celtics. Idaraos naman ang Game 2 sa Chase Center sa June 5 (June 6, 8:00 A.M PH standard time).