November 23, 2024

LPA NAMATAAN SA SA SILANGAN NG CAGAYAN

Kuha mula sa DOST-PAGASA

BINABANTAYAN ngayon ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Luzon.

Natukoy ang sentro nito sa layong 920 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, maliit ang tyansa nitong maging bagyo.

Hindi rin ito inaasahan ng weather bureau na tatama sa alinmang parte ng ating bansa.

Samantala, intertropical convergence zone (ITCZ) naman ang nakakaapekto sa Southern Mindanao.