Sumampa na ang Golden State Warriors sa 2022 NBA Finals matapos daigin ang Dallas Mavericks. Tinaga ng Warriors ang Mavs, 120-110 sa Game 5 ng Western Conference Finals. Tinapos din ng Dub City ang series sa 4-1.
Tatlong taon hinintay ng GSW na makarekta uli sa finals. Sa nakalipas na 8 season, 6 ne beses na pumalaot ang Warriors sa finals. Panghuli ay noong 2019 kontra Toronto Raptors.
Bumida sa panalo ng team si Klay Thompson na bumira ng 32 points at 3 assists. Nagdagdag naman si Andrew Wiggins ng 18 points, 10 boards at 2 assists. Maganda rin ang produksyon ni Draymond Green na 17 points at 9 assists.
Bumira naman si Steph Curry ng 15 points, 9 assists at 3 boards. Sa panig naman ng Dallas, gumawa ni Luka Doncic ng 28 points. Kasama na rito ang 9 boards at 6 assists.
Bumanat naman si Spencer Dinwiddie ng 26 points, 4 assists at 2 blocks.
Naging dahilan ng panalo ng GSW ang red hot three-point shooting. Tinambakan din nila ng 17 points ang Dallas sa first half. Mula roon, hindi na nagpatinag pa ang Warriors.
Hinirang naman na Western Conference Finals MVP si Curry.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY