Dinispatsa ni Johann Chua si Carlo Biado sa men’s 9-ball singles all-Filipino finals sa 31st SEA Games. Kaya naman nasargo nito ang gintong medalya. Ang nasungkit na gold ay kauna-unahan ni Chua sa biennial meet.
Sinamantala ni Chua ang pagkakamali ni Biado sa 15th rack. Tinapos nito ang laban sa kartadang 9-6. Ito rin ang pangalawang gold medal ng Pinas sa billiards. Unang nakasargo ng ginto si Rubien Amit ng gold kahapon.
Kapwa nagwagi sina Chua at Biado ng bronze medal sa 2019 SEA Games sa Manila. Naging magka-tandem sila noon sa 9-ball doubles event.
Nakopo naman ni reigning US Open champ na si Biado ang silver medal. Kaya, double blade ang naging paghaharap nila dahil naka-ambag sila ng 2 medal sa kanilang match-up.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo