BBM is the new president of the ‘Republic of the Philippines’. Ito ang sigaw ng mayorya ng mga Pilipino sa naging resulta ng election. Kitang-kita naman ang deperensiya.
Nakakuha si Bongbong Marcos ng 31 milyong boto. Gayundin ang running-mate niyang si Sara Duterte. Bagamat hindi pa pormal na naipahahayag na panalo, umulan na ng pagbati si BBM.
Bumuhos na ang pagbati mula sa mga lider ng iba’t-ibang bansa. Ibig sabihin, tanggap nila ang naging resulta ng halalan. Kabilang na rito si Chinese president Xi Jin Ping.
Gayundin si Russian president Vladimir Putin at US president Joe Biden. Bagamat ang layo na ng milya ng lamang ni BBM at Sara, may ilan na umaalma.
Kesyo nagkaroon daw ng dayaan at hindi ito matanggap ng ilan. Gayung sinabi ng kinauukulan na malinis ang halalan ngayong taon. Cyber o computer age na tayo ngayon. Kaya mabilis ang paghahatid ng resulta.
Di na gaya noon na manu-mano at ito ang gustong mangyari ng Pinklawan. Ang mabagal na proseso para wala raw dayaan. Ngunit, di na uubra yan at tanggapin na lang nila ang reyalidad. Pormalidad na lang ang hihintayin nina BBM at Sara, pati ang mga nanalong senador.Kapa nagkagayun, siya na ang ika-17 presidente ng bansa.
More Stories
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino