BINIGYAN ng mga botante ng Navotas ang Partido Navoteño ng landslide victory sa katatapos lamang na halalan.
Pinroklama ng Commission on Election City Board of Canvassers Martes ng 4:05 a.m. ang newly-elected congressman, mayor, vice mayor at mga konsehal ng lungsod.
Nanguna si Mayor Toby Tiangco sa congressional race na may 79,505 votes habang si Congressman John Rey Tiangco dominated the mayoral bid na may 80,908 votes.
Si Mayor Tiangco, kasama ang congressman at iba pang Partido Navoteño, ay humarap sa kanilang constituents sa pamamagitan ng Facebook Live kasunod ng kanilang proklamasyon.
“Kami po ay nagpapasalamat sa suporta ninyo sa buong Partido Navoteño. Gagamitin po namin ang suporta ninyo bilang inspirasyon para higit pa kayong mapagsilbihan at lalong mapaangat ang buhay ng bawat Navoteño,” ani Mayor Tiangco.
Ipinahayag ng magkapatid ang kanilang pasasalamat at pangako na ipagpatuloy ang kanilang tatak ng serbisyo at pamamahala.
“Maraming, maraming salamat po sa inyong tiwala at sa suportang ibinigay ninyo sa amin at sa buong Partido Navoteño. Sana ay magkaisa po tayo at magtulungan para matupad ang ating pangarap na patuloy na mapataas pamumuhay sa ang ating lungsod,” sabi naman ni Cong. Tiangco.
Nanguna rin si first-time vice mayoral Coun. Tito Sanchez sa local elections na may 84,065 votes.
Nangibabaw din ang mga re-electionist councilor na sina Migi Naval, CJ Santos, Neil Cruz, at Liz Lupisan mula sa District 1, at RV Vicencio, Richard San Juan, Alvin Nazal, Rey Monroy, at Tarok Maño mula naman sa District 2.
Ang kasalukuyang Vice Mayor na si Clint Geronimo, maging ang mga first-time candidates na si Abu Gino-gino at Lance Santiago ay ipinroklama rin.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE