November 23, 2024

UTAH JAZZ, TUMABLA SA 2-2 MATAPOS SIPAIN ANG DALLAS

Nakatabla ang Utah Jazz sa Dallas Mavericks sa serye 2-2 matapos sipain sa intense Game 4, 100-99. Sinelyuhan ni Rudy Gobert ang panalo sa naisalpak na dunk mula sa alley-oop. Nanguna sa opensa ng Jazz si Jordan Clarkson na naglista ng 25 points at 4 rebounds.

Nag-ambag naman si Donovan Mitchell ng 23 points at 7 assists. Habang si Gobert ay nagsalya ng 17 points at 15 rebounds. Sa panig naman ng Mavericks, bumira ang balik laro na si Luka Doncic ng 30 points. Kasama na rin dito ang 10 rebounds. Habang si Jalen Brunson naman ay nagtipa ng 23 pointsd at 5 rebounds.

Unang lumamang ang Dallas sa unang kwarter. Pero, naiwanan ng Jazz at lumamang pa ng double digit sa halftime. Nakaresbak ng lamang ang Dallas sa 4th quarter. Lamang pa sila sa huling 1 minuto ng 4 points, 99-95.

Ngunit, suwerteng naikamada ni Mitchell ang three-point play patungo sa 98-99 score. Nagmintis naman sa free throw si Dwight Powell. Kaya natengga sa 99 ang Dallas. Matagumpay naman na nagawa ni Mitchell ang naiwan sa depensang si Gobert. Kaya nagawa nito ang dunk sa alley-opp.

Sa huling possession, hindi nairekta ni Doncic tres, dahilan upang matalo sila.