November 24, 2024

Congrats sa mga bagong abogado!
8,241 PASADO
SA 2020-21
BAR EXAM

Inilabas na ng Supreme Court ngayong araw ang resulta ng 2020-21 Bar Examinations, ang kauna-unahang bar exam na ginawa “digitally” dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, chairperson ng Bar exams, na 8,241 ang nakapasa mula sa 11,402 examinees. Ito ay katumbas na 72.28 percent.

Inanunsiyo rin ni Leonen na kinilala ang 14 examinees dahil sa “excellent performance” matapos makakuha ng grades na mas mataas sa 90%.

Ang pinakahuling bar exam ay isinagawa nitong February matapos ang halos dalawang taong paghihintay ng  examinees dahil pa rin sa pandemya. (BOY LLAMAS)