NA-RESCUE ng mga tauhan ng Caloocan City police ang dalawang dalagita na pinangakuan ng disenteng trabaho ng isang babaeng child trafficker subalit kalaunan ay nagawa niyang maakit na magtrabaho sa isang KTV Bar sa Nueva Vizcaya.
Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Samuel Mina, noong nakaraang April 7, nireport sa pulisya ng ina ng isa sa mga biktima ang pagkawala ng kanyang 16-anyos na anak na babae makaraang hindi na ito umuwi ng kanilang bahay mula noong nakaraang buwan.
April 1, 2022, pinost ng ina ng biktima ang picture ng nawawala niyang anak sa kanyang Facebook account hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa isang concerned citizen noong April 7, at ipinaalam sa kanya ang kinaroroonan ng anak niyang babae na naging dahilan upang nireport niya ito sa pulisya.
Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng North Caloocan Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) sa pangunguna ni P/Lt Nelson Dizon hanggang sa makakuha sila ng impormasyon na ang biktima ay nagtatrabaho sa isang KTV Bar sa Bambang Nueva Vizcaya.
Sa pamamagitan ng direktang pangangasiwa ni Col. Mina, kaagad isinagawa ng mga tauhan ng WCPD ang rescue operation na may koordinasyon kay Bambang Municipal Police Station chief P/Maj. Frederick Ferrer, Sabado ng umaga, April 9, sa isang KTV Bar sa Bambang, Nueva Vizcaya na nagresulta sa pagkaka-rescue sa dalawang dalagita na kapwa 16-anyos ang edad at residente ng Barangay 178 at 176, North Caloocan.
Nabatid na pinangakuan umano ng disenting trabaho ang mga biktima ng isang babae na kinilalang si Julieta Dautil, alyas “Lovely” ng Sitio 4, Phase 6, Brgy. 176, Bagong Silang subalit, kalaunan ay naakit niyang magtrabaho bilang guest relation officer sa KTV Bar.
Ani Col. Mina, ikinasa na ang manhunt operation laban sa suspek habang nakabinbin ang pagsasampa ng mga kaso para sa dalawang bilang ng Child Trafficking kontra sa kanya sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY