November 2, 2024

PULIS NA NAMARIL SA
ESTUDYANTE SINIBAK
NG PLEB QC

SINIBAK ng People Law Enforcement Board (PLEB) Quezon City ang isang pulis na sangkot sa pamamaril sa isang 22-anyos na estudyante noong nakaraang buwan at pinababa ang ranggo ng apat na iba pa dahil sa grave neglect of duty and misconduct.

Ayon kay Atty. Rafael Calinisan, PLEB Executive Officer, sinibak sa serbisyo si PCPL Reymark Rigor matapos mapatunayang guilty sa grave misconduct sa pamamaril kay Adrienne Dominique Cruz Castor noong Pebrero 8.

Sinabi sa ulat ng PLEB pauwi na sana si Castor sakay ng Grab vehicle nang tinutukan ng baril ng sobrang lasing na si Rigor ang direksyon ni Castor.

Ilang sandali pa, binaril siya ni Rigor sa dibdib matapos bumaba si Castor sa sasakyan ng Grab. Nakaligtas ang estudyante sa pamamaril.

Sa isang press statement, pinarusahan din ng PLEB sina PSMS Neleazar Torrijos, PSSG Fernan Concepcion at PCPL Jimbeam Fernandez ng one rank demotion for grave neglect of duty dahil sa hindi pagresponde sa insidente ng pamamaril na nangyari sa labas mismo ng bahay kung saan sila nag-iinuman.

Ayon sa PLEB na sina Torrijos, Concepcion at Fernandez kasama si Rigor, ay nakipag-inuman sa bahay ni Torrijos, sa kahabaan din ng Scout Rallos Extension, sa pagdiriwang ng kaarawan ng huli nang gabing iyon.

Dagdag pa, ipinag-utos ng PLEB ang pagpapababa sa isang ranggo ng PSSG na si Bryan Busto para sa grave misconduct para sa pagtakpan ng nasabing insidente ng pamamaril sa panahon ng kanyang imbestigasyon, matapos i-categorize ang insidente bilang isang kaso lamang ng “physical injuries” kapag ito ay malinaw na kaso ng “frustrated murder. .”

Samantala, pinawalang-sala ng PLEB sina PSSG Jayson Osmena at PCPL Jaycee Tordil.

Kaugnay nito pinuri naman ni Mayor Joy Belmonte ang PLEB dahil sa mabilis at walang kinikilingan nitong disposisyon sa kaso, na sinasabi nito na mahihikayat ang mga taong naagrabyado ng pulisya na magsampa ng kaso sa PLEB.

“I salute the People’s Law Enforcement Board of Quezon City.  You have resolved this case in record time, without fear for your own safety,” ani Belmonte.