Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isa na namang South Korean national na wanted sa mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa fraudulent investment scheme.
Sa ipinadalang report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ng fugitive search unit (FSU) ng BI na natimbog ang 51-anyos na si Jun Myung Ho noong nakaraang Biyernes sa isang residential area sa Banilad, Cebu, sa tulong ng Korean authoritites at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 7.
Napag-alaman na mahigit apat na taon nang nagtatago sa bansa si Jun, na dumating noong Pebrero 2018 sa Maynila para takasan ang nagawa niyang krimen.
Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, subject si Jun ng isang arrest warrant na inilabas ng Daegu district court sa South Korea noong Disyembre 2018, kung saan kinasuhan siya ng fraud, sa paglabag sa Criminal Act of the Republic of Korea. “He is also the subject of a red notice from the Interpol which was issued March of this year,” ani ni Sy.
Sa nakalap na impormasyon mula sa Interpol’s national central bureau (NCB) sa Maynila nabulgar na iniasahan ni Jun ang kanyang kababayan matapos nitong magpanggap na siya ay kinontrata para mag-operate ng congeneration plant facility sa Orion, Bataan.
Hinikayat umano niya ang biktima na i-invest ang kanyang pera sa proyekto at at dahil dito ay nakatanggap siya ng mahigit 380 million Korean Won, o humigit-kumulang US$312,000.
Pansamantalang nakakakulong si Jun sa CIDG Regional Field Unit 7, Camp Sotero Cabahug, Cebu City habang hinihintay na ilipat sa BI detention facility sa Taguig kung saan siya mananatili habang sumasailalim sa deportation proceedings
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY