Kapwa naghahangad na pumalaot sa finals ang Magnolia Hotshots at Meralco Bolts. Tiyak na umaatikabong bakbakan ang mangyayari sa Game 5 ng 2022 PBA Honda Govermor’s Cup.
Sa panig ng fans, mas bet nila ang ‘Manila Clasico’ sa finals. Kapag nagkataon, panalo na ang SMC framchise rito. Pero, di naman papayag ang Meralco na mapatalsik. Kung saan, nasa ilalim ito ng MVP Group of Companies.
Gayunman, sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na mahirap ang suungin nila. Kahit sino aniya sa dalawa ang manalo, mahihirapan sila.
“It will be amazing if we end up playing Meralco again. Seemed like we rammed to them into the finals when we get there,” ani Cone.
“Either that or Manila Clasico. Take your pick and either of them are very good,” aniya.
Para naman kay Hot Shots import Mike Harris, ang Magnolia aniya ang papasok sa finals.
Pero, hindi naman papayag si Bolts import Tony Bishop. HIndi pa aniya siya handa na umuwi.
‘I’m not ready to go home yet,” aniya.
More Stories
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
Sen. JVE panauhin sa AFAD Arms Show ngayon sa SMX
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS