Idaraos ang Ironman Philippines IRONMAN 70.3 sa Puerto Princesa, Palawan sa Nobyembre. Ang nasabing torneo ay bahagi ng IRONMAN expansion sa Asya. Kung saan, ginagarantiya ng host city ang event sa Nobyembre 13.
Kaugnay dito, excited na si Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron sa gagawing event.
“We’re very excited for the event. It’s a big thing for Puerto Princesa. We should be all ready for this, this is a big opportunity to pass up,” aniya.
Aniya, kailangan ng siyudad ng tulong sa hosting ng patimpalak. Sa gayun ay maging matagumpay ito. Para magarantiya rin na hindi lamang ngayong taon isasagawa ang Ironman. Kundi sa mga susunod pang mga panahon.
“We look forward to welcoming people from around the world to compete in IRONMAN 70.3 Puerto Princesa triathlon and enjoy what the city has to offer,” ani Mayor Bayron.
Inaasahan namang nasa 1,400 atleta ang nakatakdang lumahok sa inaugural race. Sa mga interesado, maaaring magparehistro sa www.ironman.com/im703-puerto-princesa . Ang deadline ng regitration ay hanggang sa Marso 30, 2022.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!