IPINAGDIRIWANG ng Las Piñas City government ang kanyang ika-25 taong pagkakatag bilang lungsod sa Marso 26 na susundan pa ng ika-115 founding anniversary nito sa Marso 27.
Inihayag ni Mayor Imelda Aguilar kaalinsabay ng selebrasyon ng cityhood at anibersaryo ng pagkakatuklas ng Las Piñas, na naabot na ng lokal na pamahalaan ang 91% sa kanyang pagbabakuna at booster shots sa mga residente sa pamamagitan ng mga hakbang at patuloy na pagpupursige ng City Health Office (CHO) sa inilunsad na “Bayanihan Bakunahan” sa 20 barangays sa lungsod.
Sinabi pa ni Aguilar na nagdeploy ng mga CHO teams na tuluy-tuloy na nagsasagawa ng house-to-house o bahay-bahay na pagbabakuna ng first at second dose maging ng pagbibigay ng booster shots lalo na sa mga senior citizens at persons with disability (PWDs).
Ayon pa sa alkalde,naglunsad din ang lokal na pamahalaan ng “Vaxx to School’ para mas ilapit ang pagbabakuna sa mga estudyante bilang paghahanda sa face to face classes.
Binigyang-diin pa ng alkalde na patuloy ang alok ng Las Piñas LGU na hospitalization support na nagkakahalaga ng P30,000 sa mga residente sa pamamagitan ng pag-iisyu ng “green cards” sa ilalim ng programang pangkalusugan ng lungsod.
Idinagdag pa ni Aguilar na ang mga inisyung green cards ay magagamit sa limang accredited hospitals kabilang ang Las Piñas Doctors Hospital, Las Piñas Medical Hospital, Perpetual Help Medical Center-Las Piñas, Philippine General Hospital at San Juan de Dios Hospital. Inilahad pa ni Mayor Aguilar na ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ay nagsagawa ng job’s fair kung saan natanggap on the spot sa trabaho ang 182 na aplikante.
Aniya, ang job’s fair ay nag-alok ng tulong sa mga residente ng lungsod na naghahanap ng trabaho lalo na ang mga nawalan ng trabaho na matinding naapektuhan ng pandemyang Covid-19.
Binanggit din ng alkalde ang isinagawang mass wedding o kasalang bayan para sa 115 couples para makatanggap ng sagradong kasal.
Nitong Biyernes, Marso 25, isinagawa naman ang painting exhibit sa Las Piñas City Hall Lobby upang ipakita ang naging paglago ng lungsod na nagsimula lamang sa maliit na fishing port o daungan ng pangingisda at sentro ng pagawaan ng asin noong panahon ng Espanyol na kalaunan ay naging mahalagang residential, commercial at industrial suburb sa Metro Manila.
Sinabi pa ni Mayor Imelda Aguilar na ang exhibit ay nagtatampok sa pagbabago at kaunlaran ng lungsod na ikagagalak ng mga bisitang residente at taxpayers.
Ilang imprastruktura na rin ang nasa Las Piñas kung saan isa ito sa mga mauunlad na lungsod o developed cities sa National Capital Region (NCR). (DANNY ECITO)
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM