Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbibitiw ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson bilang chairman ng Partido Reporma.
Ito’y matapos ianunsyo ni Partido Reporma President at dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kanyang pagsuporta sa katunggali ni Lacson na si Vice President Leni Robredo.
“We must respond to the demands of patriotism requiring us to set aside personal preferences, the end goal being collective victory for good governance, a better future for Filipinos, and a strong and progressive nation,” ani Alvarez.
“We need a leader. And for the 2022 Presidential elections, given all these considerations and the crisis we have to overcome, that leader is a woman. Her name is Leni Robredo.” dagdag niya pa.
Sa ngayon ay tuloy parin ang pangangampanya ni Lacson bilang isa ng independent candidate.
Kasalukuyang pumapangalawa sa ilang survey si Robredo at nasa mababang pwesto naman si Lacson.
Ngunit malayo parin ang agwat ni Robredo sa nangungunang kandidato na si Bongbong Marcos.
Matatandaan na noong mga nakaraang taon ay ilang beses binatikos ni Alvarez si Robredo.
Nanguna pa nga ito sa planong impeachment sana laban kay Robredo.
Ngunit nagbago ang lahat ng patalsikin si Alvarez bilang House Speaker sa pangunguna ni Davao City Mayor Sara Duterte.
May ilang netizens ang naniniwala na nangangampanya laban kay Duterte si Alvarez sa Davao region.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM