November 2, 2024

NANAY, IPINAGBILI ANG ANAK DAHIL SA PAGKAGUMON SA E-SABONG

Dahil sa pagkagumon sa E-Sabong, isang babae sa Nagpayong, Pinagbuhatan Pasig City ang nagbenta ng kanyang anak. Ipinagbili niya sa halagang P45,000 ang 8 months-old na bata noong March 3. Naging pasahe niya ang Facebook Group na ‘Bahay Ampunan’ upang doon ibenta ang bata.

Pero, ngayon, humihingi na siya ng tulong upang mabawi ang kanyang anak na babae. Kaya nniya daw nagawa iyon dahil na-stress na siya. Gayundin sa dami ng kanyang pinagkakautangan.

Nagkaroon sila ng kontrata ng buyer at nagkita sa Quezon City. Dahil nami-miss ang bata, nagbago ang kan yang isip. Muli niyang kinontak ang buyer na umampon sa kanilang anak. Pero, nang makita ang message, blonock na siya nito.

Hindi naman batid ng ama ng bata na ipinagbili ng kanyang asawa ang kanilang bunso. Ang alam niya, may ka-meet-up lang ang misis. Kung saan dala-dala ang kanilang anak nang ito’y umalis ng bahay. Kasama rin nito ang panganay nilang anak. Pagkauwi ng kanyang esmi, nagulat siya dahil may dala na itong maraming pera at cellphone.

Nang malaman nito ang ginawa ng asawa, humingi ito ng tulong sa kanyang tiyahin. Nagsisisi na ngayon ang babae at dumulog sa programa ng ‘Uzi’. Sa gayun ay mabawi nila ang bata at handang isauli ang pera.