November 2, 2024

2 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Navotas

Arestado ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kariton sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina CJ Ramos, 22, construction worker ng Pinagbuhatan, Pasig City at Robel Pring, 32, garbage scavenger ng Banyera St., NFPC Brgy., NBBS, Navotas City.

Dakong alas-2 ng hapon, nagsasagawa ng patrol operation ang mga tauhan ng MARPSTA.

Dito, naaktuhan ang mga suspek na abala umano sa pagsinghot ng hinihinalang shabu sa loob ng isang nakabukas na kariton na naging dahilan upang lapitan nila ang mga ito sabay nagpakilalang mga pulis saka inaresto ang dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P500 ang halaga at ilang drug paraphernalias. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002