November 23, 2024

Sa kabila ng pandemic, DOST-STII umangat

Sa temang “Panahinog ng Panahon, Pinakas ng Hamon sa Loob ng 35 Taon,” nanaig ang Department of Science and Technology (DOST) sa kabila ng pagdating ng pahirap na pandemya  sa nakalipas na dalawang taon.

Ipinagmamalaki ng DOST-Science and Technology Information Institute (DOST-STII) ang mga tagumpay sa kabila ng mga paghihirap na nangyari sa dalawang taon ng pandemya.

“I can say with confidence that in the year 2021, DOST-STII rises and uses its wings to lift higher. DOST-STII rises despite the adversities that happened in the two years of the pandemic. The wings that constantly lift us remain to be our mandate, mission and vision, core values and our people that are willing to serve amidst the crisis and difficulties,” ayon kay DOST-STII director Richard P. Burgos sa kanyang talumpati sa Hotel Sofitel kung saan ipinagdiwang ang ika-36 anibersaryo ng departamento.

Binigyang-diin ni Burgos ang kahalagahan ng bawat empleyado na ginawa ang lahat upang maging matagumpay ang tuloy-tuloy na proseso.

“Together we fly high! Let us all celebrate our flight together toward the future of our vision,” dagdag niya.

Pumasa ang DOST sa International Organization for Standardization habang ang DOST Internal Audit Service ang nagbigay sa DOST-STII ng pinakamataas na ratingsa 25 na ahensiya ng DOST na nasuri nito sa ngayon.

“On social media, we had 6,421 posts, 386 percent up year-on-year and extended our reach to 30-million, 435 percent up from 5.6-million in 2020,” confident na sinabi ni  Burgos.

Samantala, ang “Siyensikat,” isang science show sa CNN,  ay tumaas ang average na viewership kada minuto hanggang 107,000 kumpara sa 83,000 noong una itong ipinalabas sa GMA News TV noong 2019. Nakamit din nito ang audience reach na 869,000 para sa afternoon slot at 768,000 para sa morning slot tuwing Sabado at Linggo ng 8am at 4pm, ayon sa pagkakabanggit. Nakabuo ito ng halaga ng advertising na P169-million at media pickups na nagkakahalaga ng P17.9-million.


Mula 2017 ang National Priority Plan (NPP) ng National Economic Development Authority (NEDA) ay  nakabuo ng kabuuang P12.8-milyong donasyon.

Nakamit rin ng DOST-STII ang mga tagumpay nito sa iba’t ibang larangan noong 2021, kabilang ang publicity na ginawaran ng Best Special Feature sa 43rd Catholic Mass Media Awards (CMMA) habang ang 18th Philippine Quill Awards ay binanggit ang STARBOOKS para sa kahusayan sa programa ng komunikasyon ng gobyerno.

Noong 2021 din, nakamit ng institute ang Bronze Award mula sa Civil Service Commission (CSC), na dapat ay isang malaking hakbang sa patuloy na pagsisikap tungo sa kahusayan sa pamamahala ng human resources.

Ang mga nagawa, ayon kay Burgos, ay nag-ambag sa pagpapataas ng antas ng kamalayan ng bansa sa agham, teknolohiya at mga inobasyon.