November 24, 2024

CASIMERO, KINASUHAN DAHIL SA PANG-AABUSO SA 17-ANYOS, KAMPO UMALMA

Kinasuhan si 3-division world boxing champion John Riel Casimero ng kasong paglabag sa RA 7610. O mas kilala sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Kaya, pumalag rito ang kampo ni ‘Quadro Alas’. Inerekalamo kasi ng 17-anyos na dalagita si Casimero. Ayon sa bebot, inabuso raw siya ng boxer noong June 2021.


Nagsumbong ang dalagita nitong February 11 sa Taguig City Police. Dito na nito inihayag ang ginawa sa kanya ni John Riel. Aniya, niyaya siya ng boxer at doon na nangyari ang molestation.
Gayunman, umalma ang trainer at kapatid ni Casimero na si Jayson. Anila, imbento lang ang kaso at hinala nila na sinisiraan lang si John Riel.


Makasisira anila ito sa focus ng boxer sa nakatakda nitong laban kay Paul Butler sa Abril 22 sa U.K.