Sugatan ang isang security guard matapos saksakin ng matandang barangay opisyal dahil sa selos makaraang makitang binisita ng biktima ang babaeng nililigawan ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Danilo Manansala, 67, Barangay Executive Office (Ex-O) ng Brgy. 17, Caloocan City, na mabilis na tumakas sakay ng isang Mitsubishi L300 van na may plakang (NBJ-7820) matapos ang insidente.
Ayon kay P/SSgt. Jeric Tindugan, may hawak ng kaso, binisita ng biktimang si Raul Baquirin, 55 ng 221 Laura St. Brgy. Old Balara, Quezon City ang kanyang kapwa security guard na si Rowena Basinillo, 38, sa bahay nito sa 33 Guava Road, Purok Uno, Brgy. Potrero dakong alas-12 ng tanghali.
Habang nasa loob, inalok ni Basinillo ang kasamahang sekyu na kumain ng tanghalian kasama niya na pinaunlakan naman ng biktima.
Ani Sgt. Tindugan, habang kumakain ng tanghalian ang dalawa bandang ala-1:15 ng hapon nang sapilitang pumasok sa loob ang suspek at inundayan ng isang saksak sa likod ang biktima nang makita niyang sabay na kumakain ang dalawa.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman ng Barangay Potrero Ambulance Team ang biktima sa Manila Central University (MCU) hospital.
Sinabi ni Col. Barot, nang puntahan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa pamumuno ni P/Lt Joseph Almayda ang suspek sa kanyang bahay sa Caloocan City ay wala na ito kaya patuloy itong hinahanting ng pulisya. (JUVY LUCERO)
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI