November 24, 2024

BRO. EDDIE MAGIGING CORRUPTION CZAR NI PACQUIAO ‘PAG NANALONG PANGULO

Kinamayan ni Presidential candidate at Senator Manny Pacquiao kasama ang kanyang misis na si Jinkee ang isa sa mga supporter sa isinagawang motorcade sa Montalban, Rizal. Nagsagawa rin ng caucus ang senador kasama ang mga residente ng Kasiglahan Village  sa nabanggit ding bayan. (Kuha ni ART TORRES)

Bibigyan ng puwesto si evangelist Eddie Villanueva bilang anti-corruption czar sakaling palaring manalo si Senator Manny Pacuqiao na susunod na pangulo ng bansa.

“If God wills that I [will be] president of our nation, I would appoint Congressman Eddie Villanueva, better known as Brother Eddie Villanueva as corruption czar,” ayon sa senador.

“With Brother Eddie, I am confident that justice can finally be attained against the corrupt officials of government – past and present,” dagdag niya.

Isa sa mga pangunahing pangako ng kampanya ni Pacquiao ay ang alisin sa gobyerno ang katiwalian, na isinisisi niya sa malawakang kahirapan at pagdaoa sa paglago ng ekonomiya. Muli niyang iginiit na ang katiwalian sa gobyerno ay isa sa pinakamalaking problema ng bansa.