December 24, 2024

48 bedridden at hirap umalis ng bahay nabakunahan na ng booster sa Navotas

Nasa 48 na mga Navoteño bedridden at hirap umalis ng kanilang bahay ang nakatanggap na ng kanilang booster ng bakuna kontra Covid-19, ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, binabahay-bahay ng mobile vaccination team ng lungsod ang mga ito para mabakunahan ng Astrazeneca booster.

Kabilang sa mga barangay ang nabisita na ng vaccination team ay ang Brgy. Tanza 1, Tanza 2, Tangos North, at Tangos South.

Personal din binisita ni Mayor Tiangco para kamustahin at binigyan ng tig-limang kilong bigas at isang buong manok ang nabakunahang mga bedridden at hindi makaalis ng bahay.

Panawagan ng alkalde sa mga pamilyang may kaanak na bedridden at nais magpa-booster ay magpalista lang sa kani-kanilang barangay.

Puwede rin aniya mag TXT JRT o magmessage sa Navoteno Ako ng kanilang full name, address, at contact number.

Sa tala ng City Health Office, umabot na sa 202,345 ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine. Sa bilang na ito, 195,836 na ang nakakumpleto ng dalawang doses at 48,187 naman ang nakatanggap ng booster. (JUVY LUCERO)