Shoot sa kulungan ang isang hinihinalang drug pusher matapos makuhanan ng mahigit P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang suspek na si Abdullah Pasandalan alyas “Abdul”, 41, (Pusher/Not Listed) at residente ng New UE, Baseco, Port Area Manila.
Ayon kay Col. Ollaging, si Pasandalan ay inginuso ng isang suspek na unang naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa drug operation noong nakaraang linggo sa lungsod.
Dakong alas-12:05 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ang buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran kung saan isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng shabu.
Matapos matanggap ang pre-arrange signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu na nakalagay sa isang cup noodles sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 103.00 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P700,400.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 11 pirasong P1,000 boodle money, notebook, sling bag, weighing scale, plastic bag, wallet, tatlong ID, 9 PVC cards at P1,500 cash. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE