November 3, 2024

PRESYO NG PINOY TASTY AT PANDESAL, SISIRIT

Ipinakita ni Eduardo Cadigal, 62, ang kanyang paggawa ng tinapay sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City. (Kuha ni ART TORRES)

Pinaghahanda na ng grupo ng mga bakers ang publiko sa mas mataas na presyo ng Pinoy tasty at Pinoy pandesal sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay Tinapay Festival owner at Philippine Federation of Bakers member Luisito Chavez ang umento ay dahil sa pagtaas sa presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay.

Inilahad ni Chavez na ito ang napagkasunduan sa ginanap na pulong ng mga maliliit at malalaking manufacturer ng tinapay sa bansa.

Inamin naman ni Chavez na ipinagpaliban nila ang pagtaas ng presyo ng tinapay noong nakaraang taon matapos maki-usap ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa pandemya at Pasko.

Una nang napaulat na P3.50 hanggang 4:50 ang itataas ng pandesal at Pinoy tasty.