December 24, 2024

TEST KIT FOR FREE, NAPAPANAHON NGA BA?

Test kit for free, napapanahon nga bang ipakaloob ng gobyerno? Iminumungkahi ng ilan na dapat magbigay ng libreng kit Sa gayun ay hindi mabigat sa ating mga kababayan ang magbayad ng PCR-test.


Mahal na nga ang nasabing test, mahal din ang magkasakit. Kaysa sa gumastos si Juan De la Cruz, gobyerno na ang babalikat dito. Ang tanong, kaya kaya itong ipagkaloob? Ano ba ang mas mahalaha kay Juan? Ayuda sa panahon ng pandemic o ang nasabing mungkahi?


Saan naman kukunin ang pondo kung magkataon? ‘E sa bakuna nga lang ‘e kinakapos pa! Magagawan kaya ng paraan? Kunsabagay, may maganda ring dulot ito. Kasi, magiging responsable ang taumbayan kung sakaling positive sila. Alam na nila ang gagawin. Ia-isolte ang sarili o magho-home quarantine.


Gaya sa U.S, nagbigay ng libreng test kit sa Maryland at iba pang pook. Mas mainam daw kaysa sa magbayad sila para magpa-test.

Kung ano ang makabubuti kay Juan, iyon ang ipatupad. Libreng test kit ba o ayudang pinansiyal o goods?