MAYNILA – Naobserbahan ng Department of Health (DOH) ang “pagsipa” ng COVID-19 cases sa labas ng Metro Manila.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dumadami na rin ang mga kaso partikular sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), Central Luzon, Ilocos Region at Cagayan Valley.
“NCR, Regions 4A, 3, now I think even Region 1 and Region 2 are also registering spikes in cases. That is why I call upon our regional directors of DOH, the DILG (Department of the Interior and Local Government), and the local government units in these areas to ramp up more aggressively the vaccination of their citizens,” saad niya sa Kapihan sa Manila Bay online forum.
“So the answer to that is yes, we are starting to see spikes in neighboring regions and that is what we have observed,” dagdag niya.
Sa ngayon kinumpirma ng DOH ang 43 kaso ng mas nakakahawang Omicron variant, kungsaan 21 sa mga ito ang nakita sa lokal habang ang natitira ay mula sa mga pabalik na overseas Filipino.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY