Nais ng PSC o Philippine Sports Commission na maayos ang gusot sa pagitan ni EJ Obiena at ng PATAFA. Pati na rin ang nanghimasok na POC. Ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, dapat na maayos sa mapayapang paraan ang sigalot.
Na halos tatlong buwan na. Kasi, lamat aniya ito sa imahe ng pampalakasan sa bansa. Kaya, sa pulong na idinaos ng PSC Board, gagawa sila ng hakbang upang maayos ang problema. Gayundin upang matuldukan na ang isyu.
“On behalf of the PSC board,We demand for EJ to immediately finish his liquidation of accounts so that we can continue to support him,” ani Ramirez.
“We demand for PATAFA to reconsider their declaration of dropping EJ from their rolls, provide him an appeal mechanism and not to execute their decision immediately.”
Kasama rin sa idinaos na pulong ang mga Commissioners. Na kinabibilangan nina Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Fatima Celia Kiram at Charles Raymond Maxey.
More Stories
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest
BRIGHT FUTURE PARA SA PH ARCHERY – CHRISTIAN TAN