Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pinoy na gayahin ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal nang pangunahan ang paggunita ng ika-125 anibersaryo ng kabayanihan ng pambansang bayani sa Luneta Huwebes ng umaga.
“Let us emulate his wisdom and courage in our own simple ways as we pursue a better and brighter future for all,” sabi ni Duterte.
Pinangunahan ni Duterte ang pag-aalay ng bulaklak sa estatwa ni Rizal kasama ang ilang opisyal ng kanyang Gabinete at Manila Mayor Isko Moreno.
“As we commemorate Rizal’s contribution to our freedom and self-determination, may we continue to honor him by exemplifying patriotism and idealism in all our endeavors as well as by fostering a greater sense of nationalism among the Filipino youth,” dagdag ni Duterte.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY