November 24, 2024

USA, TATABLAHIN ANG 2022 WINTER OLYMPICS SA BEIJING

Balak ikasa ng US diplomatic boycott ang idaraos na 2022 Winter Olympic Games sa Beijing. Kung kaya, hindi sila magpapadala ng diplomatic representative rito. Ito’y bunsod ng protesta ng US sa nangyayari umanong paglabag sa human rights sa Xinjiang. Lalo na ang genocide sa mga minority Muslims.


Ayon pa sa Estados Unidos, bahala na raw ng ibang bansang kaalyado nila. Kung gagawin din ng mga ito ang kanilang ikinasang diplomatic boykot.


Ani White House spokesperson Jen Psaki, isa aniya itong mensahe laban sa China. Gayunman, nilinaw niya na suportado pa rin ng gobyerno ang Team USA. Na tutuloy sa paglahok sa nabanggit na torneo sa February 2022. Kasunod naman nito ang Paralympic Games.


May contingency plan naman ang China sa gagawing pagtabla ng US sa winter olympics. Balewala naman sa kanila ang pasyang ito ni Uncle Sam. Ayon kay China’s foreign ministry spokesperson Zhao Lijan, dapat daw huwag nang ikalat ng US ang kanilang plano.