Aarangkada na ang 2021-22 PBA Governors’ Cup sa December 8 na inanunsiyo na ng liga. Natengga ang nasabing konperensiya dahil delays dahil sa visa-related issue. Na nakaapekto sa pagdating ng mga imports, lalo na ang mga nasa States.
Babandera ang mga reinforcements na pinangungunahan ni Justin Brownlee ng Ginebra. KJ McDaniels ng NLEX, Mike Harris ng Magnolia at Henry Walker ng Rain or Shine.
Ang iba pa sa returning imports ay si Olu Ashaolu ng Alaska. Gayundin si Brandon Brown ng San Miguel at Paul Harris ng Phoenix.
Kukumpleto naman sa imports sina Tony Bishop ng Meralco, Jaylen Bond ng Blackwater, Terrafirma’s Antonio Hester. McKenzie Moore ng TNT at Cameron Forte NorthPort. Iaanunsiyo naman ng PBA ang sked ng mga laro. Kung saan, ang dalawang una rito ay idaraos sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
“Kasalukuyan tayong nakikipagusap mga LGUs at tayo ay umasa na mapagbibigyan ang ating kahilingan na pahintulutang makapasok at makapanood ang ating mga fans ng laro,” ani Komisyuner Willie Marcial.
More Stories
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
Sen. JVE panauhin sa AFAD Arms Show ngayon sa SMX
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS