November 23, 2024

JAMES YAP, NO PLAY MUNA, FOCUS SA ELEKSYON, SUPORTADO NG RAIN OR SHINE

Hindi muna makalalaro si James Yap ng Raon or Shine ElastoPainter sa mga darating na PBA games. Ito’y dahil sa magpo-focus na ang basketbolista sa kanyang pagtakbo sa 2022 elections.


Kumandidato si Yap sa posisyong Councilor sa 1st District ng San Juan City. Nasa balwarte siya o partido ni re-electionist Mayor Francis Zamora.


Kaugnay dito, oks lang sa Rain or Shine ang desisyon ni James. Suportado pa nga nila ang kandidatura nito.


We would like him to concentrate and focus on his campaign. Our team recognizes the need for him to touch base with his constituents,” ani team Governor Mamerto Mondragon.