November 26, 2024

OTORIDAD, DAPAT MAGMATYAG SA PAGWAWALANG-BISA NG CURFEW HOURS

Inalis na ng kinauukulan ang curfew hours, na magiging daan upang makabangon ang ilang sektor. Lalo na ang mga establishments na bukas ng 24-oras. Dahil dito, magiging buhay na naman ang lansangan. Lalakas ang negosyo.


Masasabing hudyat ito ng pag-igi ng sitwasyon. Ito ang magandang nakikita natin dito. Makababawi ang mga negosyong naapektuhan ng pandemya.
Pero, mayroon din namang di magandang epekto nito.


Bakit kanyo? Marami na naman ang magiging tambay sa lansangan. Lalo na ang mga menor-de-edad. Kaya sila ang concerned natin dito. Baka kasi mapahamak.


Dahil sa pagbaklas ng curfew hours, nagpahayag ang mga netizens ng pagkabahala. Baka lumala na naman ang kaso ng COVID-19. Is apa, baka lumala na naman ang kriminalidad. Kasi, may mag-aabang na masasamang loob. Kagaya ng mga snatcher, holdaper, manyakis at iba pa. Mabubuhay din ang operasyon ng mga masasamang loob.


Iingay ang lansangan dahil sa halip na nasa bahay lang ang iba, nas alabas at magdamag magkukukwentuhan. Pero sana naman, may mga matang mapagmatyag din. Sa gayun ay maiwasan ang panganib.


Alam nating gagawin ng otoridad ang tama. Ang pagiging bisibol at magmanman sa lagay ng sitwasyon. Sa gayun ay maapula ang masasamang balak ng mga masasamang loob. Lalo na nga’t holiday season na. Kaya, dapat mag-ingat.